Tuesday, August 24, 2010

repleksyon

ang magaling na chef ay hindi nagluluto sa kanyang tahanan [hindi ako chef ha]

maraming pwede i-associate sa sentence na yan. iba ang ikekwento ko today. ito ay para sa mga nagpapayo. sa mga nagbibigay ng advice subalit or kahit nde pa nila nararanasan ang scenario ay parang alam na nila ang gagawin. ito ay para sa mga nagbibigay ng advice pero hindi nila masolusyunan ang sarili nilang mga problema sa buhay haha! nagbibigay din ako ng mga advices sa mga friends ko, pero wait napagtanto ko na nde direkta ang mga ibinibigay ko sa kanila. hindi ako nagsasabi kung anu ang pinaka finale sa mga gagawin nila dahil bago matapos ang aming mga pag uusap ay mahigpit kong sinasabi na "ikaw ang gagawa ng desisyon hindi ako." binibigyan ko sila ng ibang version sa mga ikinekwento nila sa akin, ganun naman ang ginagawa ko lagi [para nde masisisi hahahaha] <--- joke lang - ako ay malaki ang paniniwala sa siyensya, lohika, at kay gus abelgas toinkz. ginagawa baga na experiment ang mga hinanakit ng puso na aking naririnig at ako ang magbibigay ng "control" <-- don't get me wrong here. ang control na sinasabi ko ay ang mga proven facts sa isang bagay dahil sa isang experiment eh iproprove mo or papabulaanan ang main issue or problem. [like confirmed or busted] meron pa kong isang approach hehe. ang "the winding road way."
winding roads are full of surprises ika nga - so habang nagkwekwento sila sa akin eh binibigyan ko sila ng ibang direksyon, hindi para iligaw sila, kungdi magisip kung itutuloy ba nila ang gusto nila or kung liliko sila pabalik or kung titigil na sa ginagawa nila. pero pagdating sa decision making process eh off limits na ako. kung baga sa isang F-22 fighter jet eh bago pa bumagsak eh mag-eeject na ako hehe. sorry. hindi ako ang piloto ng buhay nila kungdi sila den.

No comments: