Sunday, August 22, 2010

naisip ko lang

nakakainis makakita ng diskette, naninilaw na white keyboard at crt monitor

kaimbyerna na den ang mga CD-R and USB thumb drives. meron namang Dropbox

at lalong nakakabwisit gumamit ng wide screen monitor tapos jologs ung graphics card wahahahaha

walang kwenta ang cellphone kung nde naman pwede mag internet don. mas lalong loser kung nde wifi capable ang phone

pag software developer and gamer eh go for windows. pag photographer and movie maker at gusto lang gawing laruan ang laptop or computer eh go for mac

isang napakalaking torture saken ang panonood ng Upin and Ipin. punyetang palabas un

allergic ako sa boses ni mike enriquez. pero natutuwa ako sa boses ni mang enriquez =)

favorite show ko ang Phineas and Ferb. period.

natatakot ako kay venus raj. ewan ko kung bakit. paki nyo ba

wag kang bibili ng imitation na iPod. salot ka sa lipunan

ayaw kong mag cofee dahil once i start i cannot stop hehehe [tama ba un?]

ang daldal ng kapatid ko kaya minsan pinapakita ko sa kanya na ayaw kong makinig sa kanya

mahilig ako sa aso. hate na hate ko ang pusa. lion pwede pa siguro

mukha akong pera. at least inaamin ko hehehehehe

ang SALT ni Angelina Jolie ay parang 1 and a half hour ng ALIAS Series ni Jennifer Garner

use less detergent kesa gumamit ng Downy isang banlaw

mas gusto kong maging kontrabida kesa maging bida

inis na inis ako sa nagpapaawa at obvious na pa humble. ang sarap sipain

nililipat ko ang channel ng tv pag nakikita ko si tito boy at ang kanyang ariel commercial

nandidiri ako sa banana ketchup. all hail tomato ketchup!!!

malinaw pa din sa aking kaisipan ang pagkakaiba ng aliping namamahay at aliping sagigilid

mas madalas akong mag internet ng nakahiga kesa nakaupo at lalong kesa nakatayo

mas madami pa akong kilalang models and designers sa Fashion TV kesa sa mga talents ng GMA7

‎5 hours ang average na tulog ko. pag nagising ako after 5 hours at nakatulog ulit eh magbilang or say maghintay ka ulit ng 5 hours

ako ay self proclaimed defender ng Apple. lalabanan kita itaga mo sa aluminum

takot na takot ako sa palaka

nakakarinig ako ng mga boses na hindi naririnig ng ibang tao. pero sumasakit ang ulo ko pagkatapos ko sila marinig

marunong ako gumamit ng baril. lahat ng klase. may auto adapt mechanism ako. high tech noh? lol

marunong din ako magbato ng sharp, pointed objects: scalpel, scissors and knife syempre

isang malaking kalokohan ang babalang: "deadly weapons" not allowed dahil lahat ng bagay ay may potential na maging deadly weapon. hello ballpen, mug, food tray etc.

sinasabi ko agad pag hindi ko gusto. in na in sakin ang "no" "ayaw ko" at "hinde iyan" hinde kase ako plastic. pwera kay star dahil plastic na ko sa kanya since the beginning

pero sa mga close friends ko lang sinasabi pag ayaw ko sa isang particular na human being. po po po poker face

mejo magulo ung last two na nilagay ko. paki mo ba heheheehe

gusto kong buhusan ng muriatic acid ung mga naglalakad na pinapatugtog ng malakas ung cellphone nila. mga eskandaloso. mga bwisit!!!

nokia 3310 ang first official mobile phone ko. pero nakagamit na ako ng philips savy at nokia 6210 tsaka mga beepers bago un wehehehehe. nakakatuwa na nakakainis mag dictate ng message sa operator. bawal ang bastos na messages

nde ako mahilig sa cellphone. pagkatapos ng nokia 3310 eh nokia 8310 naman ang isinunod ko. 2 lang kaming meron non dati sa school kase mahal pa hehehe. tapos N-Series 80 na after several years. mahilig ako sa computer

ayaw kong nagpapalit ng mga computer parts sa CPU ng computer dahil mabilis akong pawisan. baka pumatak ang pawis ko sa mga components ng pc

tamad akong maglinis ng bahay

mahilig akong uminom ng Evian Mineral Water

tsaka Nestea Lemon Iced Tea

tsaka Lipton Green Tea

ayaw kong nakakakita ng wires. kung pwede nga lang eh wireless na lahat

gumamit ako ng discman nung college. mabuhay ka Steve Jobs dahil inintroduce nyo ang iPod

naka tatlong iPod Touch ako sa loob ng 6 months

meron din akong iPod Video

nakagamit na din ako ng 2 iPod nano

meron akong MacBook Pro

reregaluhan ako ng Globe Telecom ng iPhone

nde naman obvious na mahilig ako sa Apple products hehehe

ang vacuum cleaner ay isa sa aking mga bestfriends

80% ng gamit ako ay galing sa Marithé et François Girbaud. ang remaining ay galing sa Memo, Von Dutch, Lee, Fila at Samuel & Kevin

Tom Sawyer, Huckleberry Finn tsaka Without Seeing the Dawn na lang ang mga librong natatandaan ko ang simula, gitna, at katapusan

boring kaaway si Star. walang strategy. sugod lang ng sugod. ayun natalo tuloy. sana may book2 ang gera namin hehehehe

mas gusto kong umuulan kesa umaaraw. vampire ako eh

medyo delayed ang pag adapt ko sa latest music compared to most people. i don't listen to the radio kase.

ang 2nd pinaka worst thing after ng economic meltdown ay ang baradong ilong

umuulan ng cellsite ng Globe sa amin. kaya im always Globe connected hehehehe

hindi masamang gumamit ng photoshop. masama kung ayaw sayo ng photoshop =) dba star?

nakakatatlong desktop computer pa lang ako

bukod kay willie revillame eh nakakainis makita at marining ang mga boses nina joey de leon, jobert sucaldito at tita swarding

nakakainis ang free software na ipinangangalandakan na free sila. kaya hate na hate ko ang free antivirus software

wala ka dahil magaling akong mag catwalk hehe. kakambal ko yata si natasha poly

model ung isang utol ko pero mas magaling pa din ako maglakad sa kanya hahahaha

inalok na ako nako mag lakad noon. tinanggihan ko lang =)

makikipag-plastikan ako para makakuha ng information na hinahanap ko... so beware

madali namang mapansin kung naiinis ako sayo... pag binabara kita =)


nde pa tapos

No comments: