Wednesday, September 23, 2009

September 23

ititigil ko muna ang pagpupuyat ko. babawasan ang hobby. naaawa lang
ako sa sarili ko. everyday akong nagtetake ng one gram antibiotic /
two grams of vitamin c / and high combinations of b vitamins para lang
maging awake and to prevent cystic nodules. nilalason ko na naman
sarili ko. for what reason? wala hehe. dati meron.

I'm still and maybe forever na magiisip kung bakit akong ginawang
frail ni lord. survival of the fittest ika nga. well una ko sa mga
matitigok lolzzz.

nakadapa na ko lord pero love na love mo pa deng pahirapan ako. kaya
wag ka nang magwonder kung bakit ako may tampo sayo. kung ung iba
paggising sa umaga tuwang tuwa at buhay pa sila ako e paggising sa
umaga eh nagmumura kung bakit buhay pa den ako. it's a long, winding
road and I'm tired of it. enough na siguro. pagod na pagod na ko.

nag message yung crush ko sa ym. ang kholet hehe. masaya na ko ulet. toink!


Sent from a mobile device.

July 19

Umaga na naman. No actually 4:43 sa clock ko (a.m. ha). Dito gumagana
ang pagiging writer. No actually naguubos lang ng oras. Ano ba ung
Lang sa America at lagi na lang tong ino-automatic na icapitalize ng
dictionary ko? Kainizzz

Dinalaw na naman ako ng kalungkutan ko. Ano ba ikinalulungkot ko
naman? Reality. Nag flashback na naman na I am destined to live in
this filthy life. In this human body. In this world. Zuidaido na
naman. Nabasa ko sa bible story "prophet Daniel sees our day" - nakita
nya kaya ko? Ano kaya ako pagtanda ko? Sa totoo lang kung ganito lang
din ang magiging buhay ko eh mas masaya na sigurong pumanaw ako ng
maaga. Mahirap intindihin pero nalulungkot talaga ako. Ayan naiiyak
nako. Ako kasi eh. Lagi ko na lang iniisip bakit hindi ako ginawa ni
lord na ganito, na ganon. Why nya ako ginawang ganto? Lagi ko syang
kinakausap - di naman siya sumasagot. I'm doubting if his real or
imagination lang ng people na naghahanap ng faith and hope and
everything. Sana real sya syempre. Para may sisihin ako. He is god of
love. Why puro suffering ang dinidusa ko. I'm wearing a mask - sabi ng
friend ko minsan. I'm not real. I laugh pero fake laugh naman. One
minute na masaya one hour na hindi. O sige timbangin mo kung sino ka
man. Nung nagaaral pa ko lahat binebefriend ko. Mula model hanggang
katulong. Mula nerd hanggang mejo eng eng. Mula matino hanggang drug
addict. O diba ang lawak ng scope. I always help them kung may
kailangan sila, pwera pera tsaka math. Pero nagpapautang naman ako
hehe. Pero why ang world hindi ako sinasangayunan? Hard to explain. I
don't deserve this treatment.


Sent from a mobile device.


July 18

Ang galing ngayon ko lang napagtanto-never pala ay ang hirap isulat.
Pero sige isusulat ko na lang ung dinidictate ng utak ko. Sa tagal
kong nabuhay sa mundong to, I never had a chance na magkaroon ng ng ng
eh nakalimutan ko. Wala yata akong emotions. O emotion lang. O
nakalimutan ko na din ang meaning non. Siguro. O di lang ako deep
magisip. Siguro den. Hindi ako naging happy sa buhay ko. I live
because I don't know. Nageemo ako ang kulit. I don't smile. I don't
know how. Laging naka pout ang lips. Hello Angelina Jolie. Wala akong
direction. Obvious ba sa sinusulat ko. Before I don't look back. Now
nakatalikod naman ako. How ironic leche. Parang I don't know how to
continue my life anymore - suizaido wahehe. I need a reset - sa lahat.
Lord kung real ka bigyan mo ko ng amnesia. I need to start all over
again. I mean it-from the start. O kaya ganto na lang ipanganak mo ko
ulet. Ang sagwang basahin hihi. Wala din akong initiative sa lahat.
Sabi nga ni Ellen Degeneres ang commencement daw ay hango sa 2 words
na comment & cement. Nasemento na. Maybe the biggest blunder that I
have committed to myself eh nung I changed side dun sa mga people na I
thought na maglilift saken. Military disaster. Lagi pa naman ako
nanonood ng history channel. May kanya kanya naman pala sila agenda
hihi. Na left lang pala ako. Wawa hehe. In the end I'm all alone. Emo.
Maybe if I just sticked to the persons who know who I am edi sana I am
living a better life now. Hindi katulad ngayon-secluded. Kahit
nakikipaginteract ("nakikipagsex" ang sinaggest ng dictionary-malibog
ang pucha hahaha) ako sa mga customers namin eh iba naman un. It's all
business ika nga. Scripted. Sa totoo lang di ako magaling sa mga
conversations. Kaya siguro naging materialistic ako masyado. Doon
napapako attentions ko. Ang galing ng iPod ko super low battery na ok
pa den. Apple rocks!!! HP sucks!!! Ok let's go back. Parang sa theory
of natural selection. If you want to survive eh you need to adapt.
Wala na ko maisip.


Sent from a mobile device.

Friday, September 11, 2009

heya

grabe ang tagal ko nang di navisit ang blog ko.

magpopost ulet ako.

nahihilig kase sa facebook ahihihi