Thursday, December 4, 2008

rebel heart

nakakainis magsulat lalo na kung nakakalimutan mo ung gusto mong isulat no? punyeta. lalo naman kung wala sa direksyon ang pagsusulat mo.

have you ever heard the song rebel heart? instrumental lang to actually. well gusto ko tong gawing title eh paki mo ba? dami ko kasing hesitation sa buhay. minsan lang yata nagkasundo ang utak at puso ko kaya nagrerebelde na ang puso ko hehe. tawa ka dyan gago. example na dyan ung mga gusto kong sabihin at isulat na di ko magawa dahil pinipigilan ng utak ko, o siguro ng puso ko dahil masakit at ayaw kong malaman ng iba. rebel heart: dahil ba lagi ko na lang ginagamit ang utak ko? o rebel heart: dahil lagi puso ang pinaiiral ko? ewan ko.

ewan ko. wala rin naman ako utak. hanggang ngayon nga di ko pa rin ma-master si My Dear Aunt Sally o Multiplication, Division, Addition, and Subtraction. e ayaw ko sa kanila eh. anu magagawa mo. meron naman calculator. wala rin naman siguro ako puso, di ko alam ang feeling ng happy at lonely; para sa akin iisa lang un. ano ba ang borderline ng happiness at loneliness ?
bakit ba masaya? bakit ba malungkot? anu ang magpapasaya sayo? ano ang magpapalungkot sayo? isipin mo nga.

may nagsabi sa akin na ang blog ko raw ay pang pursuit ng happiness ko? malay ko ba kung saang balon nya hinugot un. gusto kong mag-blog eh. 23 years na kong buhay according to the gregorian calendar. sa age kong to feeling ko ang tanda ko na. i even predicted na dead na ko by 21. well buhay pa ko. pero ok na kung mamamatay nako. matagal ko nang binilinan ung mga angels [kung meron] na nagbabantay sakin na sa iba na lang sila magbantay dahil wala naman silang mapapala sakin. di nako nagsasabi kung maysakit ako. madami naman kaming gamot. di naman halata kung may sakit ako o wala. magaling akong mag-disguise. may nagsabi sa akin nung nagaaral pa ko: para akong laging may suot na maskara. hindi alam ang nasa loob. maraming itinatago. well ok na rin un. or say advantage sakin un dahil ambition kong maging ultimate spy.

hihiramin ko muna ang hilig ni L sa paggamit ng percentages. siguro 5% lang ang masasabi kong kuntento ako sa buhay kong to. what a waste. diba. minsan nagsisisi ako bakit di ko sinubukan ang ginagawa nung mga kabataan nung younger years ko. actually i dont go out. wala nga ako social life. i dont drink. i dont smoke. pero di ako healthy. letche. bakit di ko ginawa? malay ko. siguro dapat title nito eh "tanga ako" tanga nga. super.

akala ng iba masuwerte ako. mga gago kayo. ive been deprived of almost everything. alam nyo ba un? di ko lang sasabihin kung anu un. kung magkakasama tayo tawa lang tayo ng tawa. mga ulol. well nasaan na ba ung mga kasama ko? malay ko. at the end of the day - its just me - ako lang - where the hell are you? well fault ko na rin un. i dont know how to pierce their hearts hehe. fault ko na rin un. ako ang lumalayo. nagsasawa na ko.

bakit ba pag ginusto ko ayaw mangyari? ewan ko. kaya pag nangyari na lang sasabihin ko na lang gusto ko un. ang tanga ko talaga.

i admit plastic ako.

when i am at the lowet point of my life, si jesus christ lang ang kinakausap ko. nakakainis di siya sumasagot.

im emotionally depressed since birth

pag beaten ang utak ko ang lakas ng tibok ng heart ko. pag beaten ang heart ko pwede kayang wag muna siyang magbeat?

No comments: